el terible

ang dami dami ko na updates eh. dami dami ko na kuwento.

eh kaso andami tlaga work, may paper pa ako (na wala pang idea si ma’am kung ano yung topic ng final paper ko), may mga isyu na ang hirap i-resist di pagchismisan (eh kasi nakakatawa talaga yung height ng desperation, at hindi lang yung typical na issue tapos binabalik-balikan para lang panatilihing buhay ang usapin— as in everyday may bago!!! astiging bata tlaga pag na-inlab yung isa namin dito), at higit sa lahat, may wedding ako na pupuntahan sa susunod na sabado na shempre, bilang isang butihing bridesmaid eh kelangan mag-step up tayo ng konti.

at balik tayo sa ganito dahil kaninang umaga pa namin tinatranslate yung application form namin na akala mo simple pero mas nakakadugo pa pala ng ilong ang english to filipino than vice versa.

sabi nga ni ms. c, makipalakpak na lang ako. very amusing talaga. sana, magbunga ang lahat ng paghihirap nya sa panliligaw dun sa lalaki kasi syempre, in the final analysis ika nga, babae pa rin yan. kailangan pa rin i-shield ang kahihiyan nya, kung sakali. sana na lang, magsalita na rin yung lalaki kasi dumadami na yung pinagsasabihan nung babae na sila na eh lahat naman nagdududa. mismong yung kasamahan nung lalaki. ang masakit pa, ginagawang katatawanan yung mga pagpapa-cute nya. tsk tsk. ang funny pa, yung style na subtle kung ipagkalat yung issue na siya ang bida, lalo lang nyang dinadagdagan yung mga impression sa kanya. ewan, basta yung isang inaaway naman nya, alam kong hindi perfect ang taong yon pero hindi rin maitatanggi na mahirap matibag ang confidence ng mga amo sa kanya kasi nga nakita naman kung paano sya magtrabaho. pero sabi nga namin dito, kung ibang circumstances lang kasi ang nakapaligid dun sa offensive remark daw na yun (basta nakuwento ko a rin sa baba), hindi ito lalaki ng ganito eh. promise. kasi dati pa, tlagang kilala naman sya na nakikipag-barahan ng halos makahubad-pagkatao na, pero since magkakaibigan at alam na for the spirit of good time lang, walang issue. eh kaso eto, involved tlaga ang isang lalaki. hindi ko man pinayuhan, i guess kusang lumalabas yung desisyon mo na you’re gonna take the high road in dealing with a very cheap issue as this. ang cheap kasi. parang pag pinatulan mo, hayok at haling ka rin sa lalaki. kung meron akong maipapayo dun sa lalaki, please make her feel more secure with what it is that you allegedly have. kasi kahit pag-ibig ang pinag-uusapan, parang yung ruta ng “Cheap Avenue” ang na-take nya. mapapailing ka talaga. pero i’m not speaking for myself na ha. i’m speaking na as an observer dun sa issue involving her and our colleague.

ang opisina namin, kahit medyo boring ang trabaho pag minsan, binabawi sa mga side issues! kahit minsan man lang, nakakalimutan namin na wala pa ring wage increase!

Advertisements

Care to Comment?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.